Friday, June 7, 2019

Dampa Seaside Macapagal

November  1999 nong napapad ako ng Paranaque para mag trabaho, newly grad ako non, every lunch meeting sa office walang bukam bibig kung hindi ang mga paluto sa Dampa. kahit sa mga birthday, bigyagan o kahit reception sa kasalan ng mga officemates ko dampa pa din, kahit ako mismo nakapag handa na din ng birthday sa Origanal  Dampa sa Paranaque. the reason why ? fresh kasi ikaw mismo ang bibili sa palengke doon na din mismo sa tabi ng mga resto na pagpalutuan. mura compare to other restaurants kasi malapit sa bulungan and Original Dampa , Ideal for large groups and anyone with large appetite! at higit sa lahat malapit lang sa office namin. 

sa ngayon  madami ng mga nagbukasan na branches ng dampa, pero ang pinaka sikat ay Dampa sa Seaside sa Macapagal sa Pasay. maka ilang beses na din ako kumain dito kasama ng pamilya at mga kaibigan.  short drive lang  pag nasa Mall of Asia. may mga dumaan din multi cab.

Dampa in Filipino means "kubo" tradisyonal na gawa sa nipa kung saan pwedeng mag salo salo sa pagkain. pero sa palipas ng taon nagbago na din ang konsepto, kasabay na din ng modernong panahon. nagmahal na din.


bago kami pumunta sa  Hotel for Staycation nagyaya ang sisters ko na sa Seaside na kami mag lunch since 2pm pa naman ang check-in time it is part of her birthday celebration.
here we go  palengke time muna, lahat ng klase ng seafoods para ipaluto ay mayroon sa Seaside. 
Pakatapos naming umikot we ended up buying some lapu lapu, clams, lobster, shrimp crab, squid and seaweed.





2,500 per kilo ang liit


pagkabayad pwede ka nang mamili ng restaurant kung saan mo gustong ipaluto ang mga binili mo. 
Lots of restaurants to choose .They can cook your meal any style you want. pero kami  pinaluto namin sa Seazars. 

madami din stalls ng fruits sa Seaside pero yung iba mataas pa  ang presyo kesa sa supermarket same with Seafoods medyo pricey. 

The Lunch is ready !!! forget the diet , gosshh!!! di na pansin ng sister ko halos mag kakamag anak ang sauce ng pinaluto nya haha

calamari 

crab in chilli sauce

small lobster in chilli

sweet and sour lapu lapu


prawn in garlic butter sauce. 

di ako mahilig sa lato at mga bata kasama namin di ito gaano mabenta sa panlasa amin kaya asawa ko lang ang umubos.


dahil sa may allergy ako sa seafood pero favorite ko kailangan may dala lagi pang laban iba na ang laging handa.




We are seafoods lover so even the  price is a little bit costly go lang since it my sister birthday and would surely satisfy our cravings as well as your stomach then may take out pa.






til next another chibugan